Skip to main content

ETHNOS_APP

Home • Search • Journals • List 0

Ang Larawan ng Mutya

Muling-Pagsilang, Pagbabanyuhay, at Popularidad

Bibliographic Data

ID22056149
AuthorsDanim R Majerano (Samarkand State Institute of Foreign Languages, corresponding author)
Year2023
Volume36
Issue1
Publication date2023-12-31
Open AccessNo
TypeARTICLE
VenueMalay Journal (JOURNAL)
Journal identifiersISSN: 2243-7851 • E-ISSN: 2243-7851
PublisherDe La Salle University (PUBLISHER • PH)
DOI10.59588/2243-7851.1024
OpenAlexW4410715566
LanguageEN

Tinunton ng pag-aaral ang pagsisimula ng paggamit sa larawan ng Mutya ng Pasig—kung paano ito binigyang kahulugan at ang nosyong nakapaligid dito. Ipinalalagay ng pag-aaral na ginamit ng lokal na elite, gobyerno, at mga organisasyong sibiko ang imahen ng Mutya ng Pasig sa konteksto ng produksiyon ng pagkakakilanlan nito. Ang paggamit ng nasabing imahen ay nakakandili at pinagtibay ng politika at ng ideolohikal na ugnayan ng sining at panlipunang dominasyon. Ito ang sinasabing pagsusuri sa hegemonya sa lipunan. Sa tulong ng masigasig na pangangalap ng mga primarya at sekondaryang batis mula sa mga sinupan ng kaalaman, kahit paano ay sinagot ang layunin ng pag-aaral. Sa kritikal na pagbasa, ang mga imahen ay sinuri at tinalakay gamit ang semyotikong pagsusuri ng sining. Masasabing ang produksiyon ng mutya bilang anyo ng sining ay dumaan sa pagiging inobatibo, transmedia, at translokal. Ang mga katangiang ito ay umugnay sa ambag sa larang ng aralin sa sining, sosyolohiya, at kasaysayan. Sinikap ng pag-aaral na tuparin ang pagtawid sa mga tinukoy na disiplina. Sa ganitong kalakaran ay isiniwalat na ang larawan ng mutya ay tuwirang nakaranas ng transpormasyon at modipikasyon sa pangunguna ng mga lokal na pormasyon at dominasyon. Sila ang nagtanghal sa Mutya ng Pasig bilang opisyal na logo, kultural na aktibidad, mga patimpalak sa kagandahan, at mga pagkilala. Hindi matatawaran kung titingnan ang kasaysayan ng Pasig, makikita natin na ang mismong imahen ng Mutya ay ginamit bilang isang makapangyarihan at mabisang kasangkapang pang-ideolohiya para sa pagpapatahimik at paghahari sa kultura at lipunan ng Pasig. Sa pamamagitan ng pagkonsumo ng imahen at imahen ng Mutya naipon at tinatanggap ng mga tao ang iba’t ibang ideolohiya at kaalaman. Sa pangkalahatan, pinalalakas ng gawaing ito ang ideya na ang sining ay isang signifying practice. Ibig sabihin, ang sining ay maaaring puhunan ng mga kahulugan ng lokal o maging sa labas ng mga dominasyon upang magtrabaho para sa mga interes at politika sa loob ng lokalidad at/o kahit para sa bansa

Business · Asian Culture and Media Studies · Philippine History and Culture

Highly citedNo

Tools

Open DOIOpen Access
Ethnos_APP • Open Source Project • MIT License • Frontend v2.0.0 • Privacy and Cookies • API Documentation: api.ethnos.app/docs • API Source Code: GitHub • DOI: 10.5281/zenodo.17049435 • Frontend Source Code: GitHub • DOI: 10.5281/zenodo.17050053 • cruz.rio.br • Expectantes Misericordiae